-- Advertisements --
Naniniwala si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na nasa Cambodia si suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.
Kasunod ito sa pagtatanong ng mga mamamahayag kung alam ng kalihim ang kinaroroonan ni Teves.
Magugunitang itinuturing na pangunahing suspek si Teves sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo kung saan hindi pa ito umuuwi sa bansa dahil sa banta umano sa seguridad nito.
Mariing pinabulaanan ni Teves ang alegasyon at maging ang kapatid nito na si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves.