Sinimulan na ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang pribadong operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang dynamic test run para sa bagong fourth Generation (Gen-4) train sets sa umiiral na linya nito.
Sinabi ng LRMC na ang mga tren ng Gen-4 ay makikitang tumatakbo sa kahabaan ng LRT-1 simula ngayong gabi, Mayo 4, 2022 at pagkatapos nito, sa mga off-peak hours at katapusan ng linggo upang ipakita ang pagiging reliability at performance kasama ang kanilang pagsunod sa mga kinakailangang technical at operational requirements.
Sinabi ng opisyal ng LRMC na hindi makakaapekto ang testing activity sa normal na operasyon ng LRT-1.
Magugunitang nasa 30 Gen-4 train sets – bawat isa ay binubuo ng apat na light rail vehicles (LRVs) – ay ilalagay sa isang serye ng dynamic test run sa mga yugto na may dalawa hanggang tatlong train set na tumatawid sa pangunahing linya bawat araw.