Binuksan na ng Correctional Institute for Women (CIW) ang sarili nitong health testing facility para sa iligal na droga at human immunodeficiency virus (HIV).
Sa isang pahayag, simabi ng CIW na ang bagong pasilidad na ito ay gagamitin din para sa directly observed treatment strategy (DOTS) ng mga indibidwal na may sakit na tuberculosis.
Layunin aniya nito na kaagad malaman ang kasalukuyang health conditions ng mga persons deprived of liberty (PDLs) upang hindi rin magkulang sa personnel ang naturang institusyon. Hindi na raw kasi kakailanganin na i-escrot pa ang isang preso sa malapit na diagnostic center para magpa-check up.
Maaari ring isailalim sa laboratory tests ang mga kamag-anak ng mga empleyado ng CIW para malaman ang kanilang kondisyon at maagapan kaagad ang kanilang karamdaman.
Ang pagbubukas ng nasabing testing facility ay dinaluhan nina Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Q. Bantag, Climate Start Network Director Erlinda Sabas, Mindanao State University Chancellor Bai Hejira Lumbunia, at Datu Ma-ar Sinsuat Mohammad.