-- Advertisements --

Pinag-aaralan na raw ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magbalik klase sa susunod na buwan.

Ayon kay TESDA director general Isidro Lapeña, bunsod ito ng pagluwag ng quarantine measures mula enhanced community quarantine patungong general community quarantine.

Sa pagharap ng opisyal sa Senate hearig nitong Huwebes, sinabi nito na ipapasa pa ng kanyang tanggapan ang rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force.

“Of course, subject to the approval of the IATF, subject to the regulations that are pronounced by the IATF.”

Binuo raw ng TESDA ang “Oplan TESDA Abot Lahat” kasabay ng pagsisimula ng ECQ.

Layunin daw nito na bumuo ng mas angkop na training sa new normal.

“This is a shift from the traditional face-to-face training delivery mode to online or a combined online and face-to-face delivery mode.”

Bukod sa Metro Manila, may anim na lugar pa sa bansa ang nasa modified ECQ.