-- Advertisements --

Tinapos na ng Terrafirma Dyip ang anim na sunod na talo matapos na tuluyang talunin ang Macau Black Knights 102-84 sa nagpapatuloy na PBA 50th Commissioner’s Cup.

Nanguna sa panalo ng Dyip si Jerrick Ahanmisi na nagtala ng 29 points habang mayroong 24 points , 16 rebounds double-double si Mubashar Ali sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Mayroon ng apat na panalo at anim na talo ang Terrafirma kung saan buhay pa ang tsansa nila para sa quarterfinals.

Habang ang Black Knights ay mayroong dalawang panalo at siyam na talo kung saan sila ay tanggal na sa playoff.