-- Advertisements --

Nagtala ng unang panalo ang Terrafirma Diyp matapos talunin ang Blackwater 110-101 sa nagpapatuloy na 2020 PBA Philippine Cup na ginanap sa AUF Sports Arena sa Angeles City, Pampanga.

Bumida sa panalo ni CJ Perez na nagtala 27 points habang nagdagdag naman ng 19 points si Juami Tiongson para tapusin ang pitong magkakasunod pagkatalo ng nasabing koponan.

Hinangaan ng kanilang coach na si Johnedel Cardel ang kaniyang mga players dahil hindi sila nawalan ng pag-asa para makakuha ng isang panalo.

Nasa pang-sampung puwesto na ang Blackwater na mayroong dalawang panalo at anim na talo.