Malaking kalokohan ang turing ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. sa mga lumalabas na impormasyong sinadyang gawin ang Wuhan coronavirus.

Ayon kay Locsin, kung ibibintang ito sa China ay hindi makatwiran lalo’t 99 percent ng mga nasawi ay Chinese.

Hindi rin umano ito basta maipaparatang sa iba pang mga tao, kung walang basehan.

“That’s the craziest video I’ve ever seen,” wika ni Locsin.

Una nang sinabi ng mga eksperto na posibleng nagmula ang virus sa mga paniki sa Wuhan City, China.

-- Advertisement --

Nabatid na may mga residente sa Wuhan na kumakain ng mga hilaw na hayop, bagay na mapanganib sa kanilang kalusugan ayon sa mga eksperto.