KORONADAL CITY- Tensiyunado sa ngayon tanggapan ng DTI Regional Office 12 matapos na ayaw bumaba sa pwesto ang Regional Director nang nasabing tanggapan habang ipinagdidiinan naman ng Assistant Regional Director na siya na ng itinalagang OIC simula kahapon Agosto 1.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo koronadal kay outgoing Regional Director Jude Jaugan ng Department of Trade and Industry -12, inihayag nito na mananatili siya sa posisyon dahil verbal pa lamang ang narinig nito at walang black and white na magpapatunay na hanggang Hulyo 31, 2022 lamang siya sa pwesto.
Ayon kay Directyor Jaugan, ayaw niya umalis hanggang walang maipakita at maibigay sa kanya na memorandum bilang patunay na papalitan na siya sa kanyang pwesto.
Ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr lamang umano ang makapagpapaalis sa kanya o makapagbibigay ng mandate na mananatili siya sa posisyon hanggang sa katapusan nitong taon.
Samantala, iginiit naman ARD Flora Gabunales na siya na ang uupong Officer In Charge ng DTI-12 dahil sa nataggap nitong mandato ay kailangan lamang ng maayos na transition.
Ngunit dahil sa nagpupumilit umano na manatili sa posisyon ang outgoing Regional Director ay nagkaroon ng gulo at nagkatensiyon.
Dagdag pa ni Gabunales, ginawa niya lamang ang kanyang obligasyon na ipaalam kay Mr. Jaugan na Hulyo 31, 2022 lamang ang efefctivity ng posisyon nito bilang RD ng DTI 12 at kailangan na umanong ipasa sa kanya ang mga obligasyon at reponsibilidad base sa mandato ng Undersecretary at ng nakakataas.
Dagdag pa ni Gabunales, hindi naman talaga conflict ang nangyari dahil isa lamang itong hindi pagkakaunawaan ng dalawang kampo.
Ngunit sa ngayon, palaiisipan pa rin kung sino ang kikilalaning Regional Director ng tanggpan kaya’t maging ang mga transaksiyon sa nabanggit na opisina ay apketado rin.