-- Advertisements --
Nakasama na ng Barangay Ginebra sa ensayo si LA Tenorio.
Ito ang unang pagkakataon na nakipag-ensayo si Tenorio sa kaniyang teammates mula noong ito ay nagtungo sa US.
Isinasagawa kasi ang ensayo ng koponan sa Aquamarine Recreational Center sa Lipa, Batangas.
Sumailalim muna sa 14-day quarantine si Tenorio noong ito ay bumalik sa bansa.
Ibinunyag din ng 36-anyos na basketbolista na naturukan na rin itong COVID-19 vaccine na gawa ng Johnson & Johnson.
@