-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US tennis star Serena Williams ang kaniyang pagreretiro.

Sinabi ng 23-time grand slma, na nais niyang magbago palayo sa tennis at tumutok sa ibang mga mahalagang bagay.

Sa kaniyang social media, nagpost ito na napagdesisyunan na itong tunguhin ang ibang mga direksyon.

Aminado ito ng na naging masakit ang nasabing desisyon lalo na ang paglayo sa bagay na minahal.

Isinagawa ng 40-anyos tennis player ang anunsiyo matapos ang unang panalo matapos ang 430 araw.