Sisimulan na ng telecommunication companies ang pagbebenta ng SIM cards na deactivated na kailangang iparehistro at ipa-activate ng mga user matapos ilabas ang implementing rules and regulations (IRR) ng Sim Card Registration Act.
Lahat ng rehistradong sim cards ay agad na mai-enjoy ang mga serbisyo habang ang existing SIM card naman ay kailangang magparehistri sa loob ng 180 days o ani na buwan mula ng maging epektibo ang batas noong Oktubre 28 maliban na lamang kung palawigin.
Ngayong araw ay inilabas na nga ng National Telecommunications Commission (NTC) ang IRR ng Sim Card Registratio Act na nilagdan ni Pangulong Ferdiannd Marcos Jr., noong oktubre.
Sa ilalim ng nasabing batas, ang lahat ng public telecommmunications entities ay o direct sellers ng Sim Cards ay minamandato ang users na magpresenta ng isang valid identification document na may kasamang laranwan nang binili ang sim card.
Ang mga public telecommmunications entities din ay kailangang bumuo ng kanilang sariling registration platform at magsumite ng vaerified list ng kanilang awtorisadong dealers at agenst sa buong bansa.
Kailangan din na i-deactivate ng public telecommmunications entities ang sim cards na ginamit para sa fraudulent text o calls habang isinasagawa ang imbestigasyon.