-- Advertisements --

Mayroon na lamang hanggang ngayong araw ang mga telecommunication companies upang i-submit ang kanilang rollout plans ngayong taon kung papaano nila aayusin ang internet speeds sa Pilipinas.

Ang kautusan na ito ay mula mismo sa National Telecommuncations Commission (NTC) alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ang serbisyo ng mga telco sa bansa.

Ito ay para na rin sa tumataas na demands ng internet use dahil sa online classes at work-from-home setups bunsod ng COVID-19 pandemic.

Dahil dito ay magkakaroon ng sapat na oras ang NTC para i-monitro ng mabuti ang progress ng mga telecommunication companies sa pagpapaganda ng internet speed upang maabot din ng bansa ang mas magandang global ranking sa Ookla’s Speedtest Global Index.

Nananatili kasing mabagal ang internet speed sa Pilipinas kumpara sa iba pang bansa sa Southeast Asua, gayundin sa mga developing countries sa buong Asya.