-- Advertisements --

Kasalukuyang walang nakikitang problema ang pulisya sa kanilang pagbabantay seguridad sa isinagawang 50th Sinulog sa Carmen sa bayan ng Carmen ngayong araw, Enero 22, maliban na lang sa traffic ngunit nakapag-adjust rin umano ang mga ito.

Inihayag ni Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare na nag-install ang Police Regional Office-7 ng teknolohiya tulad ng mga drones upang matutukan at masiguro na na-cover ang lahat sa lugar.

Ito rin ang kanilang ginamit sa security coverage sa Sinulog nitong lungsod ng Cebu upang mamonitor ang sitwasyon mula sa taas.

Maliban sa traffic, sinabi ni Pelare na inaasahan na nila ang mga mandurukot dahil sa pagdagsa ng mga tao ngunit hindi pa naman umano sila nakatanggap ng sumbong.

Aabot sa hindi bababa sa 2,000 tauhan ng pulisya at force multipliers ang nakadeploy sa nabanggit na bayan upang masigurong ligtas ang pagsagawa ng aktibidad.

Samantala, pansamantala pinatigil kanina ang pagsayaw ng ilang contingent sa local category matapos bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang hangin.

Alas 6 ngayong gabi, magtatanghal naman ang 15 contingent mula sa Probinsya ng Cebu, Cebu City at Lapu lapu para sa grand ritual showdown open category.

Pagkatapos nito, agad namang isasagawa ang awarding ceremony.