Bumuo ng Technical Working Group (TWG) ang House Committee on Information and Communications Technology na siyang magko-consolidate at bumuo ng panukala para sa faster internet service act sa bansa.
Ayon kay House panel chair Navitas City Rep. Toby Tiangco na ang technical workinbg group ay pangungunahan ni La Union Representative Francisco Pablo Ortega.
Inatasan ang TWG na bumuo ng substitute bill para sa panukalang Faster Internet Services Act mula sa mga inihaing House Bills 661, 1854, 2355, 2567, 3711, 5307, at 5449.
Sinabi ni Tiangco, layon ng nasabing panukala na magbigay ng minimum standards para internet services sa bansa.
Bukod sa pagbibigay ng maayos na serbisyo, layon din ng panukala na matiyak na affordable o abot kaya sa bula ang internet service.
Ayon naman kay Roderick Escolango, project manager of the Free Wi-fi ng Department of Information and Communication Technology na sa kasalukuyan mayruong 4,456 hotspots wi-fi access points na nagbibigay ng free connections sa ibat ibang bahagi ng bansa na mas mababa ito sa 11,000 wi-fi access points nuong 2021.
Sinabi ni Escolango na ang bilang ng wifi access points at naka depende sa pondo na ibibigay ng gobyerno.