Pinataob ng Men’s basketball team ng France ang powerhouse na USA 83-76 sa kanilang paghaharap sa Tokyo Olympics na ginanap sa Saitama Super Arena.
Pinangunahan ni Evan Fournier ang France na nagtala ng 28 points habang mayroong 14 points at nine rebounds si Rudy Gobert.
Hawak pa ng Team USA ang kalamangan 74-67 sa natitirang 3:41 ng last quarater hanggang nahabol ito ng France.
Nasayang ang 18 points ni Jrue Holiday para sa Team USA.
Ito ang unang pagkakataon na natalo ang Team USA sa Olympics mula pa noong 2004.
Binubuo ng mga NBA team ang Team USA sa pamumuno ni Kevin Durant, Damian Lillard, Jayson Tatum at Draymond Green at nagkaroon pa ng last minute adjustment.
May tsansa pa na mabawi ng USA ang pagkatalo dahil sa may mga laro pa sila sa Group A laban sa Iran at Czech Republic.