-- Advertisements --

dakak4

Champion sa isinagawang Adventure Race 3 Man Team Open ang Team Pat N Poy para sa Adult category at Team Rotonda Boys para sa Junior category.

Ang nasabing kompetisyon ay isa sa higlight sa weeklong activities ng “Pista Turismo de Dapitan 2021”

Ang Adventure race ay isang multidiscipline race na may kasamang biking, running, solving puzzles and clues at clean up drive.

Ito ay may kabuuang 25 kilometer race.

Ayon kay Dapitan City Tourism Officer Ms Apple Marie Agolong, ang nasabing kompetisyon ay mayruong dalawang kategorya, una, ang 3 Man Team Open na binubuo ng isang babae at dalawang lalaki at ang pangalawa ang 3 Man Team Junior category na may edad 19 years old pababa at lahat lalaki ang participants.

Sinabi ni Agolong sa unang category ang 3 Man Team Open may 12 teams na kalahok habang sa Junior Category naman ay mayruong limang teams.

Nakiisa din sa nasabing kompetisyon si Dapitan City Councilor Angelica Carreon, na siyang Chairman ng Committee on Tourism na may sariling team din.

” An urban adventure race is an elaborate scavenger hunt designed to challenge players both mentally and physically. Participants are typically asked to complete a number of tasks that take them to different locations in a city,” pahayag ni Ms. Apple Marie Agolong.

dakak1

Paliwanag naman ni Agolong, ang nasabing kompetisyon, ay may tasks na dapat kumpletuhin ng bawat teams sa pamamagitan ng puzzle, kaya dapat mabilis ang pag-iisip at lakas ng katawan, dahil may mga senaryo na kailangang umakyat, tumakbo at mag bike ang mga kalahok.

Bawat teams ay kailangang idocument o kuhanan ng larawan ang kanilang mga completed task bilang patunay na nagawa nila ito.

” The basic components of an urban adventure race are usually the tasks involved. Participants may be required to photograph, post on social media or otherwise document that the tasks have been completed. A task might consist of taking a photograph of a landmark,” dagdag pa ni Agolong.

Ang Pat N Poy team ay binubuo nina Terrence Sorronda, Philip Padaong at Ruth Piang.

1st Runner up ang Team BADI
John Santiago
Johannes Ruedas
Lovelie Castaneros

2nd runner up ang Team BIKERS LANE
Charles Alcala
Ervince Acas
Yna Trinidad

3rd runner up ang Team Dapitan
Rexel Mae Empreniado
Patrick Jay Entiligando
Clark Clinton Piamonte

4th runner up ang Team PNP / Deped
Glorelie Paghacian
Ramier Villas
Mr Tinaan

Habang sa Junior category, idiniklarang champion ang Team Dapitan na binubuo nina Alexis Rey Acas, Nerbie Monton at Sidney Eroy.

1st runner up Team Rotonda Boys
Kane Eligan
Vince Jhian Realiza
Mateo Lopez

2nd runner up Team Sindangan
Magikhans Macias
Kyle Kaking Bastasa
FrancisPaolo Gravador