-- Advertisements --

Inamin ni dating two division world boxing champion Gerry Penalosa na mixed emotion sila sa pagreretiro ng kaibigang si Sen. Manny Pacquiao para sa larangan ng boxing.

Ayon kay Penalosa sa panayam ng Bombo Radyo, masaya sila na makakapag-focus na sa iba pang mahahalagang bagay ang Pinoy ring icon.

Pero nalulungkot din sila dahil nasanay na ang team sa malalaking laban at dibdibang ensayo, kung saan madalas nilang kasama ang tinaguriang “Pacman.”

Mawawala na rin aniya ang zero crime rate at walang traffic sa panahon ng mga laban ni Sen. Pacquiao.

“Suportado natin si Manny, pero syempre malungkot din na hindi na natin sya makikita sa mga laban na inabangan din sa buong mundo,” wika ni Penalosa.