Nagpaabot ngayon ng sulat ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines sa Commission on Elections (Comelec) na aprubahan ang across-the-board na P3,000 para sa additional compensation sa mga teachers na na-extend ang duty noong halalan na marami ang inabot ng 24 oras.
Sa kanilang sulat sa Comelec, ipinarating din ng grupo ang inisyal na listahan ng 1,036 electoral board (EB) members na nagbigay ng serbisyo ng mahigit sa 24 oras noong Mayo 9, 2022.
Ayon kay ACT Secretary General Raymond Basilio, noon pa mang nakaraang taon ay sumulat na rin sila para sa hiling na overtime pay para sa mga poll workers.
Aniya, kaya naman ginawa nila ang muling pagsulat ngayon ay dahil sa lumakas ang kanilang loob kasunod ng report na kinokonsidera na “in-principle” ng Comelec na mabigyan ng dagdag na remuneration ang mga teachers.
Sinasabing mula sa 1,104 poll workers na inisyal na nagsagawa ng extended duties noong May 9, nasa 79.4% ang nagkaroon ng problema ang kanilang mga presinto sa isyu ng VCMs at SD cards.
Dahil dito, kabilang ito sa mga dahilan kaya nagkaroon ng extension sa kanilang mga work hours sa ilang mga cluster precincts.
“We have called for the granting of overtime pay to poll workers since our very first letter to Comelec regarding this year’s elections, which we sent them almost exactly a year ago today. And so, we very much welcome their positive response to our demand after some fuss at the beginning. This is a great feat borne out of teacher-poll workers’ unrelenting fight for fair pay not only this election, but which started in the 2019 mid-term polls where scores of teachers had to continue rendering election service for up to two days after election day,” ani Basilio.