Ikinalugod ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na hindi papatawan ng sanction ng Department of Education ang guro na nag-viral dahil pinagagalitan ang kanyang mga estudyante.
Ayon kay Castro, napakabigat ng working conditions ng mga guro sa ngayon.
Maliit anya ang sahod, malaki ang class size kaya naman minsan napupuno din bukod sa mga problema sa pamilya.
Nirerekuminda ni Castro dagdagan na ng guidance councilors at psychologist sa mga paaralan at maglunsad ng mental health activites para di nagkakaroon ng outbursts o mental breakdown ang mga guro, estudyante at iba pang mga nasa paaralan.
Umaapela rin si Castro sa Kamara na pagtibayin na ang mga panukala na magbibigay ng proteksiyon sa mga guro at instructors sa mga walang basehang akusasyon.
Sa desisyon ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, hindi papatawan ng sanction ang naturang guro.
Katuwiran ni VP Sara, tao lang ang naturang guro, umaabot sa punto na nagagalit kaya makabubuting huminto at magpalamig muna.