-- Advertisements --
Nagtala ng panibagong record ang pop singer na si Taylor Swift.
Ito ay matapos kilalanin ng Pollstar magazine na unang singer sa kasaysayan na nakalagpas ng $1-bilyon na ticket sales sa loob ng 60 araw mula Marso hanggang Nobyembre.
Mayroong kabuuang $9.17 bilyion na ticket sales ang ‘Eras Tour’ nito na nagsimula ngayong taon.
Nahigitan nito ang record ni Elton John na nakalapit na isang bilyon sa 328 dates nito sa loob ng limang taon na nagkakahalaga ng $939-milyon.