Taylor Swift
Swift/ IG post

Nagbigay ng $1 million na donasyon ang singer na si Taylor Swift para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng dalawang malakas na tornado sa Tennessee.

Ayon sa singer , ibinigay nito ang donasyon sa Middle Tennessee Emergency Response Fund para sa pagbangon ng mga residente kung saan doon siya ipinanganak.

Nanawagan ito sa kaniyang mga fans na gayahin ang kaniyang ginawang pagtulong.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng donasyon ang singer dahil noong 2010 ay mayroon itong ibinigay na $500,000 na donasyon ng masalanta ng malaking pagbaha ang Nashville ang lugar kung saan ito lumaki.

Magugunitang umabot na sa 24 katao na ang nasawi habang maraming kabahayan ang nasira dahil sa dalawang malakas na tornadoes.