-- Advertisements --
Kinilala bilang person of the year ng Time Magazine ang singer na si Taylor Swift.
Ito ay dahl sa tagumpay ng kaniyang Eras tour ngayong taon na inabangan ng mga fans niya sa buong mundo at kumita ng ilang bilyong dolyar.
Sinabi nito na labis siyang nasiyahan at hindi maipaliwanag ang galak na nararamdaman.
Inamin niya na ang kaniyang 180 minuto na konsiyerto ay nagdudulot minsan ng labis na kapaguran.
Nahigitan ng singer ang ilang personalidad gaya nina Chinese President Xi Jinping, Russian President Vladimir Putin, Barbie at ilan pang mga malalaking pangalan sa Hollywood.