Muling nasungkit ni Taylor Swift sa ika-apat na pagkakataon ang Album of the Year award sa prestihiyosong Grammys na ginanap kanina sa Los Angeles, California. Dahil dito, siya na ang may pinakamaraming napanalunang Album of the Year sa loob ng 64 years ng Grammys.
Ito ay para sa kanyang album na pinamagatang Midnights na nag-uwi rin ng Best Pop Vocal Album award.
Sa unang pagkakataon naman ay umuwi ng tropeyo mula sa Grammys si Miley Cyrus matapos hirangin ang kanyang awiting ‘Flowers’ na Best Pop Solo Performance at Record of the Year.
Pinarangalan naman ang kantang What Was I Made For ni Billie Eilish bilang Song of the Year.
Ang Grammy Awards ay taunang ginaganap upang bigyang pagkilala ang mga awitin at mga tao sa harap at likod nito. Sa kasalukuyan, si Beyonce ang may pinakamaraming awards sa Grammys na mayroong 32 tropeyo.