Binaril ng isang pasahero ang isang taxi driver matapos itong tanggihang na pasakayin.
Patungo sana ang pasaherong suspect sa may bahagi ng Cubao at humiling ito sa biktima na kung maaari ay ihatid siya nito.
Nang tumanggi ang taxi driver ay tinapik umano ng suspect ang sasakyan kayat lumabas ang biktima at tinanong ang naturang pasahero kung bakit niya ito ginawa.
Inakala umano ng suspect na magiging delikado ang kanyang buhay kaya niya ito pinaputukan.
Sinabi pa nito na puputukan lamang sana niya ang biktima ngunit di niya lubos akalain na tinamaan ito sa dibdib.
Inako naman ng suspect na isang 64 years old na lalaki ang pamamaril nguni iginiit nito na self defence lamang ang kanyang ginawa.
Matagumpay naman itong nadakip ng mga awtoridad dahil na rin sa tulong ng mga nakakitang traffic enforcers.
Napag alaman rin na lisensyado ang baril na dala nito na isang loaded na caliber 357 revolver.
Nakatakda naman ihain nag kasong frustrated homicide laban sa naturang suspect.