Hinimok ni Finance Sec. Carlos Dominguez III ang tax management professionals na iwasang gamitin ang kanilang mga kasanayan para makaiwas ang ilang negosyante sa pagbabayad ng tamang buwis.
Ginawa ni Dominguez ang pahayag sa harap ng mga kasapi ng Tax Management Association of the Philippines (TMAP).
Ayon sa kalihim, maraming pagkakataon na nagagamit ang propesyon ng ilang tax managers para humanap ng “loopholes” sa pagbubuwis, upang bigyang pabor ang kanilang mga kliyente, habang nadedehado naman ang gobyerno.
Giit ng opisyal, batid niyang trabaho lang ang ginagawa ng mga ito, ngunit dapat ding unahin ang pakinabang para sa bansa kaysa sa mga mayayamang negosyante.
Hangad ni Dominguez, makatuwang daw sana nila ang mga tax managers para makamit ang P3.3 trillion revenue ngayong 2022, para makabawi sa sadsad na lagay ng ekonomiya.