-- Advertisements --

ILOILO CITY- Pasado na sa Iloilo City Council ang ordinansang magbibigay ng Tax Amnesty sa mga real property taxes sa lungsod ng Iloilo upang maibangon ang ekonomiya mula sa epekto ng Coronavirus disease 2019.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na sa ilalim ng Tax Amnesty, umaasa siyang muling makakabenta ang mga negosyante sa lungsod upang maibangon ang ekonomiya.

Ayon kay Treñas halos P300 million pesos ang nawala sa kaban ng lungsod dahil sa pagsasara ng mga negosyong nagbibigay buhay sa ekonomiya ng lungsod.

Anya, simula ng nahalal siya bilang alkalde, ito na ang pinakaunang pagkakataon na nagpasa ng Tax Amnesty ang lungsod.

Napag-alaman na sa ilalim ng tax amnesty, magiging delinquent o hindi na babayaran ang mga buwis simula Disyembre 31, 2019.