-- Advertisements --

Tulad noong nakaraang taon, wala munang Whatta Whatta Festival sa Lungsod ng San Juan sa kabila ng pista ni St. John The Baptist ngayong June 24.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, mas pinapahalagahan pa rin niya ang kalusugan ng mga nasasakupang kaya nila pinagbawalan ang mga tao na lumabas at magsaboy ng mga tubig.

Idaan na lamang aniya uli sa pagdarasal ang nasabing piyesta para hindi na kumalat pa ang Coronavirus Disease 2019.