Inirekomenda ni Senior Citizens party-list Rep. Rodolfo Ordanes na gawing house-to-house ang pagbakuna sa mga personons with disability at mga nakatatanda na may edad 70 pataas.
Subalit nilinaw ni Ordanes na hindi naman kailangan na gawin ito sa large scale basis dahil sa kasalukuyang kondisyon.
Maari aniyang gawin muna itong targeted basis sa pamamagitan nang pagtutok sa mga lugar kung saan mayroong mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon sa kongresista, dapat maglaan ang mga local government units ng sapat na resources para sa targeted house-to-house inoculation na ito.
Magugunita na Enero pa lang ay sinabi na ng Department of Health (DOH) na kinukonsidera nila ang posibilidad na magsagawa ng house-to-house vaccination para sa mga vulnerable at high-risk senior citizens.