Nasa fighting form na si Pinoy boxer Marlon Tapales mahigit isang linggo bago ang paghaharap niya kay Naoya Inoue ng Japan.
Sinabi nito na wala na itong kinakatakutan dahil sa dumaan siya matinding ensayo at nakaharap sa sparring sessions ang mga magagaling na boksingero sa bansa.
Hindi itinanggi ng Pinoy boxer na may hawak ng WBA super at IBF bantamweigh boxer na ito ay underdog laban sa Japanese pound-for-pound boxer.
Nakatakdang lumipad ang 31-anyos na tubong Tubod, Lanao del Norte patungong Japan ngayong araw ng Martes.
Mayroong record si Tapales na 37 panalo, tatlong talo na mayroong 19 knockouts habang si Inoue ay mayroong 25 panalo, walang talo na mayroong 22 knockouts.
Gaganapin ang laban ng dalawa sa Disyembre 26 sa Ariake Arena, Japan.