-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN- Kinumpirma ni police major Ria Tacderan, Public Information officer ng Pangasinan Police Provincial Office na natunton na at nasampahan na ng kaso ang isang babaeng nagpost ng fake news ukol sa serye ng kidnapping ssa bayan ng Pozorrubio sa Pangasinan.

Ayon kay Tacderan, ang suspek na gumamit ng ibang pangalan sa kanyang Facebook account mula sa bayan ng Pozorrubio ang responsable sa isang post na di umanoy isang black van ang pilit siyang isinasakay at mabuti ay nakatakas siya.

Sa kanya ring post sinasabi rito na nakakita siya ng isang duguang sako at may umiiyak sa loob ng van.

Sinabi ni Tacderan na nagdulot ng takot o pangamba sa mga nakabasa ng nasabing post kaya agad na nagsagawa ng validation ang Pozorrubio PNP hanggang sa natunton at nakausap nila mismo ang nagpost.

Sa kanilang pakikipag usap dito ay hindi aniya naging consistent ang pagbibigay ng kanyang statement. Napag alaman sa imbestigasyon na may pinagdadaanan ang babae kaya nagawa ang pagpost ng fake news.

Kaya hiniling ng PNP na isailalim siya sa psychiatric evaluation.
Kaugnay nito nagbabala an PNP sa mga netizen na nagpapakalat ng mga fake news sa kanilang post.

Ayon kay Tacderan, seryoso ang PNP sa paglaban sa mga fake poster kasunod ng mga nakakakilabot na post ukol sa serye ng kidnapping dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Binigyang diin ng opisyal na walang nagaganap na serye ng kidnapping sa probinsya gaya ng pinakakalat sa social media.
Sinabi niya na magisip bago magpost at magshare sa facebook ng mga fake news.
Paalala niya sa publiko na maging maingat sa pag upload ng mga maling impormasyon dahil may kaakibat itong kaparusahan o multa sa sinumang gagawa nito.

Dagdag pa ni Tacderan na hindi nila pinipigilan ang sinuman na magpost kung para sa awareness pero dapat ang impormasyon na kanilang isi-share ay ligit at totoong nangyari pero huwag ng i upload kung kathang isip lamang ito.