Nakatakdang sampahan ng kaso ng PNP ang isang indibdwal na nakasuot ng PNP athletic shirt at sumbrero na nag viral sa social media.

Kinilala ng Taguig PNP ang nasabing indibidwal na si Joseph Philip Lu Bautista, 36-anyos, single, Filipino-Chinese, at isang business consultant at residente ng Taguig City.

Inamin naman ni Bautista na siya ang nasabing indibidwal na nasangkot sa isang traffic altercation incident nuong Dec 27, bandanag alas-6:00 p.m. ng gabi sa Bonifacio Global City.

Inamin din nito na hindi siya isang police officer at sinuot lamang niya ito dahil kumportable siyang suutin ito.

Nakikipag-ugnayan na ang Taguig PNP sa complainant para masampahan ng kaukulang kaso laban kay Bautista.

Itinanggi naman ni Bautista ang akusasyon.

Sasampahan ng Taguig PNP si Bautista ng kasong “Illegal Use of Uniform” sa ilalim ng Article 179 of the Revised Penal Code (RA 3815) kung saan ang PNP ang siyang nominal complainant.