NAGA CITY- Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang koneksiyon ang malaking aktibidad sa lungsod ng Naga sa naitalang lindol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Ed Laguerta, Resident Volcanologist ng Philvocs-Bicol, sinabi nitong nagkakataon lamang na nasasabay ang naitatalang mga lindol sa traslacion o fluvial procession.
Aniya, hindi na ito bago lalo na at maraming beses na rin na may naitalang malalakas na lindol sa Bicol.
Maaalalang noong mga nakaraang taon, may mga naitalang malalakas na lindol kasabay mismo ng nasabing malalaking aktibidad sa lungsod at muli itong naulit kahapon nang maramdaman din sa lungsod ang pagyanig na epekto ng 5.3 magnitude na lindol sa Quezon.
Samantala, wala naman aniyang nakarating sa kanilang impormasyon na nagresulta sa malalang pinsala ang pagyanig lalo na sa Camarines Norte na isa sa pinakamalapit na lugar sa nasabing lindol.