-- Advertisements --
Inaalam na ng mga otoridad sa China ang dahilan sa likod ng pagsabog ng isang tanker truck sa probinsya ng Zhejiang kung saan 19 ang namatay at 172 katao ang sugatan.
Batay sa impormasyon, may dalang liquefied gas ang naturang truck nang bigla na lamang itong sumabog sa expressway interchange sa syudad ng Wenling ngayong araw.
Nadamay sa pagsabog ang isang factory na naging dahilan ng isa pang pagsabog habang gumuho naman ang ilang gusali sa paligid nito.
Sa inilabas na video footage ng mga pulis, makikita ang makapal na usok at apoy na bumabalot sa truck matapos ang pagsabog.