-- Advertisements --

Nabuking ng militar ang planong pakikipag-alyansa ng New Peoples Army (NPA) sa teroristang Dawlah Islamiyah sa Central Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Western Mindanao Command commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, unti-unti nang pumapasok sa Maguindanao ang NPA para magkaroon ng tactical alliance.

Dahil dito kaya agad naglunsad ng opensiba ang 6th Infantry Division na nakakasakop sa lugar.

Mas pinalakas din ang intelligence monitoring kaya hindi nagtagumpay ang kanilang merging o pagkakaisa.

Sinabi ni Sobejana, dahil sa survival kaya nais magkaroon ng tactical alliance ang NPA sa teroristang grupo.

“Yung NPA trying to encroached Lanao del Sur and to established tactical alliance sa mga lawless elements. Napigilan natin yung tactical alliance dahil we have intensify our intelligence operation,namonitor natin yung hostile plans nila so na prevent yung launching ng hostilities,” pahayag ni Lt. Gen. Sobejana.