-- Advertisements --
image 40

Tanging nasa 23 aplikasyon para sa gun ban exemption ang pumasa sa pre-evaluation stage mula ng simulan ng Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC) ang pagtanggap noong Hunyo 5 ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ito ay tatlong buwan bago ang nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023.

Base sa data na ibinahagi ni Comelec spokesman Atty. John Rex Laudiangco, as of June 30, nakatanggap ang poll body ng 272 aplikasyon subalit tanging nasa 23 lamang ang pumasa at ikinonsiderang duly filed.

Isusumite naman ang mga ito kalaunan para sa final evaluation at deliberasyon ng tripartite body ng komite na binubuo ng Comelec, Philippine Narional Police at Armed Forces of the Philippines.

Ang mga nakakuha ng approved application ay makakatanggap ng Certificate of Authority na inisyu ng nasa komite habang ang Notice of Denial naman ay ibibigay sa mga denied application.

Paliwanag ng poll body na ayon sa komite karamihan sa hindi pumasa sa pre-evaluation stage ay dahil hindi kumpleto sa requirements o hindi sumunod sa procedure na nakasaad sa Comelec Resolution No.10918.

Para naman maiwasan ito, payo ng poll body sa mga interesadong aplikante na bisitahin ang kanilang website para sa mas detalyadong instruction sa procedure ng paghahain ng aplikasyon gayundin para sa requirements at iba pang mahahalagang impormasyon.