-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer ukol sa tamang pasahod para sa mga manggagawa na papasok bukas, June 12, Araw ng Kalayaan.

Ayon sa DOLE, kailangang sundin ng mga employer ang double pay o 200% na pasahod para sa mga empleyadong papasok.

Kung nag-overtime naman ang empleyado ay karagdagang 30% kada oras naman ang maidadagdag sa kanyang sahod.

Kung nataon namang rest day ng isang empleyado bukas ngunit pumasok pa rin siya, dagdag na 30% din ang kanyang matatanggap, maliban pa sa double pay.

Para naman sa mga empleyado na hindi papasok sa regular holiday, makakatanggap pa rin ang mga ito ng 100% ng kanilang sahod, basta’t pumasok sila bago ang holiday.