-- Advertisements --

Dahil na rin ng paggunita sa anibersaryo ng People Power Revolution bukasna deklaradong special non-working holiday ay muling pinaalaahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer patungkol sa “pay rules” o tamang pasahod sa kanilang manggagawa.

Ayon sa DOLE, sa special non-working holiday, ang mga manggagawang magtatrabaho ay kinakailangang bayaran ng dagdag 30 percent sa unang walong oras ng trabaho.

Habang ang trabaho namang sumobra sa walong oras, o overtime ay dapat bayaran ng dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate sa nasabing araw.

At kung nagtrabaho naman ang mangagawa sa kanyang day-off, dapat ay babayaran siya ng karagdagang 30 percent sa kada-oras ng kanyang trabaho.

Maaari naman umiral ang prinsipyong “no work, no pay” kapag hindi pumasok sa trabaho ang isang manggagawa, depende na lang sa umiiral na polisiya ng kumpanyang pinaglilingkuran, o sa napagkasunduan ng kanilang collective bargaining agreement (CBA).