-- Advertisements --

Sinisisi ng opisyal ng Taliban ang Estados Unidos sa kaguluhan sa paliparan sa Kabul sa gitna nang pagdagsa ng maraming Afghans na nais umalis ng bansa.

Ayon kay Amir Khan Mutaqi, sa kabila ng kapangyarihan at pasilidad na mayroon ang America ay bigo itong ayusin ang sitwasyon sa paliparan.

Kung titingnan kasi aniya, sa Kabul airport lang naman mayroong kaguluhan.

Sa ibang lugar kasi sa bansa ay mayroong kapayapaan at kalmado lang ang sitwasyon.

Magugunita na sa mga nakalipas na araw ay sunod-sunod ang evacuation ng mga Afghans na nais umalis ng bansa makalipas na tuluyang sakupin ng Taliban ang Afghanistan.

-- Advertisement --