-- Advertisements --

Mahigpit na ipinag-utos ng Taliban sa mga kababaihan ng Afghanistan na dapat ay takpan nila ng buo ang kanilang mukha tuwing sila ay nasa labas ng kanilang bahay.

Ayon sa General Directorate of Administrative Affairs na ito ang bagong kautusan na bukod sa pagsusuot nila ng tradisyonal na burqa.

Sakaling hindi ito sinunod ng babae ay bibisitahin nila ang kasama nitong lalaki sa bahay at maaring makulong.

Habang agad naman na tatanggalin sa trabaho ang sinumang babae na lalabag sa nasabing kautusan.

Mula noong mamuno ang Taliban sa Afghanistan ay hinigpitan nila ang galaw ng mga kababaihan na inalmahan ng karamihan.

Ilan sa mga dito ay ang pagbiyahe ng mga kababaihan ng malayong lugar.

Noong Enero na rin ay umapela si United Nation Secretary-General Antonio Guterres sa Taliban na dapat ay kilalanin at protektahan ang karapatang pantao ng mga kababaihan.