-- Advertisements --
sen bong revilla

Tiyak si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na mas gaganda pa ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagtatapos ng taon.

Ito ay kasunod ng naitalang 1.6 percent na paglago ng ekonomiya ng bansa nitong ikatlong quarter ng taon.

Pinuri ng Senador si Pangulong Ferdinand r. Marcos Jr. at ang kanyang economic team sa naitalang GDP growth ng bansa.

Inihayag ni Revilla na patunay ito na nasa tamang landas ang Pilipinas.

Iginiit ni Revilla na kailangan lang ipagpatuloy kung ano ang ginagawa ngayon para mas mabilis na maramdaman ng mga Pilipino ang pag-usad ng ekonomiya.

Magandang senyales aniya ito para matugunan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Kaya naman sa naitalang growth rate ng Pilipinas ay tinalo natin ang mga kalapit nating bansa tulad ng Vietnam na may 5.3 percent; Indonesia at China na may 4.9 percent; at Malaysia na may 3.3 percent growth rate.