Mas marami pa ang inaasahang madedeploy na kababayang guro sa Taiwan kasunod ng paglulunsad ng Ministry of Education ng Taiwan Foreign English Teacher Program para mapalawig pa ang recruitment ng mga foreign English teachers at teaching assistants sa primary at secondary schools sa naturang bansa.
Base kasi sa talaan ng Taiwan National immigration Agnecy na mayroong 193 Filipino teachers ang nasa Taiwan as of 2021.
Sa pagbisita kamakailan ni Philippine Overseas Labor Office-Taichung Labor Attaché Bienvenido Cerbo Jr. sa ilang public elementary at secondary schools gayundin sa mga cram schools o test review centers sa Central Taiwan at nakipagugnayan sa mga principals para maghire ng mas marami pang mga Filipino teachers.
Ngayong taon, nasa 450 ang bakanteng teaching position sa public schools sa Taiwan para sa foreign English teachers.
Ang Taiwan Foreign English Teacher Program ay alinsunod sa layunin ng Taiwan na gawing ikalawang lingwahe ang English sa taong 2030 at bumuo ng mas marami pang oportunidad para sa mga mag-aaral.
Ang buwanang sahod para s English teachers sa ilalim ng naturang programa ay nagsisimula sa PHP115,122.25 na may kasmang travel subsidy, health insurance at iba pang benepisyo.
Para maging kwalipikado sa teaching positions kaialngan na proficient magsalit ng English at dapat may bachelor’s degree at walang criminal record.
Bukas ang recruitment para ngayong taon hanggang March 31, 2022