Nakamonitor ngayon ang Taiwan armed forces sa sitwasyon sa Taiwan strait matapos na maglayag ang tatlong barko ng China.
Inatasan na rin ng Taiwan ang civil air patrol aircraft, navy vessels at land-based missile systems na tuimugon sa naturang aktibidad ng China.
Ayon sa Ministry of National Defense ng Taiwan, tatlong barko ng People’s Liberation Army Navy na pinangungunahan ng Shangdong aircraft carrier ang dumaan sa may Taiwan strait ngayong araw.
Ang shangdong aircraft carrier ay kalahok sa isinagawang military drills ng China sa palibot ng Taiwan noong nakalipas na buwan.
Nagtungo umano ang naturang flotilla sa kanluran ng median line, ang unofficial border sa pagitan ng China at Taiwan patungong hilagang direksiyon.
Nitong sabado, iniulat din ng Taiwan defense minsitry na sa nakalipas na 24 oras, mayroong walong Chinese fighter jets ang dumaan sa median line ng Taiwan strait kung saan may ilan umanong ginagawa ang war planes ng China sa lugar mula ng simulan ang war games noong nakalipas na buwan ng Agosto ng nakalipas na taon.