Kinansela ng Taiwan ang ilang bahagi ng taunang military drills nito habang pinag-iibayo ng mga awtoridad ang paghahanda para sa sinasabing maaaring pinakamapinsalang bagyo na tatama sa isla sa loob ng halos apat na taon.
Ang Bagyong Egau na may international name na Doksuri, ay inaasahang papasok sa Bashi Channel na naghihiwalay sa Taiwan at Pilipinas sa direksyong kanluran-hilagang-kanluran at lalapit sa mga tubig sa katimugang baybayin ng isla bago mag-landfall sa southern China, ayon sa mga awotoridad.
Kinansela ng Taiwan defense ministry ang mga bahagi ng pangunahing taunang pagsasanay sa Han Kuang na nakatakda ngayong araw at binanggit ang mga alalahanin sa kaligtasan at ang pangangailangang gumawa ng mga paghahanda para sa paparating na bagyo.
Ang weather bureau ng Taiwan ay naglabas na ng mga babala hinihimok ang mga residente doon na maghanda para sa malakas na pag-ulan at malakas na hangin.
Hindi pa malinaw kung paano higit na maaapektuhan ng bagyo ang limang araw na military drill ng Taiwan na nakatakdang maganap ngayong linggo at tumuon sa pagtatanggol sa pangunahing international airport ng isla at kung paano panatilihing bukas ang mga daanan ng dagat sakaling magkaroon ng blockade ng China.