-- Advertisements --

Nakatakdang ianunsiyo ni Taiwan President Tsai Ing-wen, ang ilang mga gagawing pagpapaigting ng kanilang military defense.

Gagawin nito ang pag-anunsiyo sa pagdiriwang ng National Day celebration ng Taiwan ngayong araw.

Nagmamatigas pa rin kasi ang China na teritoryo pa rin nila ang Taiwan.

Nagkaroon ng matinding pressure mula sa China at political pressure matapos ang naganap na Chinese war games noong Agosto ng bumisita sa Taiwan si US House Speaker Nancy Pelosi.

Personal kasing pinangangasiwaan ni Tsai ang ginagawang pagpapalakas ng kaniyang militar para matapatan ang lakas ng China.

Magugunitang handang makipag-usap ang China sa Taiwan kapag kilalanin nila ang One Country, two system” policy.