Iginiit ng Taiwan na luluwagan na nito ang kanilang mga paghihigpit sa Chinese business at group travelers bilang hakbang sa pagpapatuloy ng tourism exhange sa China.
Matatandaan na sinuspinde ng Beijing ang mga individual tourism permits pa Taiwan noong 2019 dahil sa lumalalang relasyon sa ilalim ng administrasyon ni Taiwanese President Tsai Ing-wen, na tumangging tanggapin ang pag-angkin ng China sa self-ruled island.
Binuksan muli ng Taiwan ang boarders nito sa karamihan ng turista noong nakaraang Oktubre matapos ang ilang taong pagsasara dahil sa Covid-19 pandemic pero nanatiling ipinagbawal ang mga turista mula mainland China.
Sa kasalukuyan, ang Mainland Affairs Council, ang Taiwanese government body na namamahala sa cross-strait relations, ay nag-anunsyo na kanilang luluwagin ang mga paghihigpit sa mga business traveller mula sa China mula Lunes.
Ang Individual Chinese nationals ay maaari ding mag-apply upang makapasok sa Taiwan mula sa ibang bansa mula Setyembre 1, ayon yan kay spokesperson Jan Jyh-horng.