-- Advertisements --

Pinasinayan ng Taiwan ang kanilang kauna-unahang sariling gawang submarine.

Pinangunahan ni Taiwan President Tsai Ing-wen ang seremonyas kung saan isang bahagi lamang ito ng kanilang kahandaan sakaling lusubin sila ng China.

Sinabi nito na noong una ay hindi ito makapaniwala na may kakayahan silang gumawa ng sariling submarine subalit ito ay naging posible ng mabuo.

Magugunitang itinuturing pa rin ng China na bahagi pa rin nila ang Taiwan at hindi nito nirerespeto ang pagiging malaya.

Una ng nagbanta ang US na dapat paghandaan ng Taiwan ang anumang paglusob ng China.