Muling inireklamon ng Taiwan ang ginawang pagpaplipad ng China ng kanilang fighter sa kanlang air-defense identification zone.
Aabot umano sa 29 na mga fighter jet ng China ang lumipad sa sinasakupan nilang lugar.
Ayon sa Defense Ministry ng Taiwan na iba’t-ibang uri ng fighter jest at early warning and control aircraft maging ang electronic warfare aircraft, anti-submarine aircraft, electronic intelligence aircraft, at aerial refueling aircraft na pag-aari ng People’s Liberation Army (PLA) ang nakita nila.
Ito na ang pangatlong beses ngayong taon na nagpalipad ang China sa ADIZ ng Taiwan ngayong taon.
Agad na pinaalis ng Taiwan ang mga eroplano nito ng China sa pamamagitan ng radio warning bukod pa sa pag-escort ng kanilang fighter jets.
Magugunitang ipinipilit ng China na bahagi pa rin nila ang Taiwan kaya wala aniya silang nakikitang paglabag.