-- Advertisements --
image 273

Hinimok ng Taiwan ang China na lutasin ang cross-strait na isyu nang kapayapaan na nagsasabing kailangan nitong “iwanan ang lumang kaisipan ng agresyon at komprontasyon,” habang ang naghaharing Partido Komunista ng mainland ay nagpahayag ng matibay na pagtutol sa kalayaan ng isla sa pinakamataas na pamamahala nito.

Sa isang pahayag ang Mainland affairs council ng Taiwan, ay nagsabi na responsibilidad ng magkabilang panig na patatagin ang sitwasyon sa Taiwan Strait at hinikayat ang Beijing na lutasin ang mga pagkakaiba-iba ng cross-strait sa isang mapayapa, katumbasan at pragmatikong paraan.

Sinabi rin ng konseho na ang cross-strait policy ng gobyerno ng Taiwan sa ilalim ni Pangulong Tsai Ing-wen ay matatag at pare-pareho.