-- Advertisements --
Nagbabala ang Taiwan na handa nilang paulanan ng missile ang fighter jets ng China kapag ito ay tuluyang pumasok sa himpapawid na kanilang sinasakupan.
Ayon kay Defence Minister Chiu Kuo-cheng, na hindi sila magdadalawang isip na pabagsakin ang Chinese fighter jets kapag pumasok sa kanilang airspace.
Mula kasi ng pinalakas ng China ang kanilang military forces ay napapadalas na ang kanilang pagpapalipad ng mga fighter jets sa airspace.
Hindi naman nito kinumpirma kung maglalagay ang US ng kanilang military installations sa paligid ng Taiwan.
Magugunitang noong nakaraang taon ay nagsagawa ng military exercise ang China sa paligid ng Taiwan bilang reaksyon sa ginawang pagbisita noon ni dating US House Speaker Nancy Pelosi.