Naghahanda na ang Taiwan, China, at Japan sa pagdating ng Typhoon Inday na may international name na Bavi na inaasahang magdadala ng matinding mga pag-ulan at malalakas na hangin sa rehiyon.
Ayon sa weather authorities ng Taiwan, posibleng magbuhos ang bagyo ng hanggang isang metrong ulan sa ilang lugar. Mahigit 29,000 sundalo na rin ang nakaantabay upang tumulong sa mga posibleng rescue at relief operations.
Inaasahan ding ito na ang malaking bagyong tatama sa Taiwan, batay sa lawak nito, simula noong 1987.
Sa China, nagbabala rin ang mga awtoridad na maaaring magkaroon ng malaking epekto ang Tyhpoon Bavi kapag tumama ito sa lalawigan ng Fujian.
Naghahanda na rin ang mga residente sa timog ng Japan, kabilang ang Sakishima Islands, sa posibleng hagupitin ng bagyo.
Samantala, kinansela ng ilang airlines ang daan-daang biyahe dahil sa masamang panahon. Kabilang dito ang Japan Airlines, All Nippon Airways, Thai Airways, at Malaysia Airlines, na nakaapekto sa libu-libong pasahero.
Patuloy namang pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na sundin ang mga abiso ng kanilang mga lokal na awtoridad at maging handa sa posibleng paglikas kung kinakailangan.
















